^

Police Metro

P200 kada buwan dagdag sa 4Ps, isinulong

Malou Escudero - Pang-masa
P200 kada buwan dagdag sa 4Ps, isinulong
Individuals line up to receive cash aid from the national government during enhanced community quarantine at a basketball court in Manila on August 11, 2021
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Dagdag na P200 sa tinatanggap ng mga mahihirap na pamilya sa bansa na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang isinulong ng Department of Finance (DOF).

Sa Talk to the People ay iprinesenta ni DOF Secretary Carlos Dominguez III kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon bilang kapalit sa isinusulong ng ilang sektor na suspendehin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ipinaliwanag ni Do­minguez na madadagdagan pa ang makokolek­ta ng gobyerno kung hindi sususpendehin ang excise tax at ang madadagdag sa pondo ay maaaring ibigay sa mga mahihirap na pamilya na nasa ilalim ng 4Ps.

Kung binigyan aniya ng karagdagang tulong na P200 bawat pamilya sa loob ng isang taon, aabot sa P33.1 bilyon ang pondong ilalaan.

Aminado si Dominguez na hindi sapat ang nasabing halaga, pero ito lang sa ngayon ang maaaring itulong ng gobyerno.

Nilinaw din ni Do­minguez na may tinatanggap na namang tulong sa gobyerno ang mga benepisyaryo ng 4Ps at ang P200 kada buwan o P2,400 sa isang taon ay karagdagang tulong lamang.

Nanawagan si Senador Grace Poe sa Malacañang na huwag tipirin ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap dahil kulang na kulang ang P200 para makatulong sa araw-araw na pamumuhay ng mga mahihirap.

4PS

CASH AID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with