Simula sa Marso 1 NCR, 38 lalawigan Alert Level 1 na

A passenger (C) sits inside a tricycle covered with a reminder to wear a mask, part of the COVID-19 health protocols, in Manila on Feb. 16, 2022.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Simula bukas, Marso 1-15 ay isasalalim sa Alert Level 1 sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR) at 38 pang lalawigan at highly-urbanized cities (HUCs) sa bansa.

Sa inilabas na listahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), ilalagay na sa Alert level 1 ang NCR, Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Batanes, Cagayan, Santiago City sa Isabela at Quirino; Pampanga, Angeles City, Bataan, Aurora, Olongapo City, Tarlac at Bulacan.

Sa Region 4A naman ang Cavite at Laguna, gayundin sa Marinduque, Puerto Princesa City at Romblon sa Region 4B; habang Naga City at Ca­tanduanes sa Region 5.

Sa Visayas ang Aklan, Guimaras, Bacolod City, Capiz sa Region 7, Siquijor sa Region 7 at Biliran sa Region 8.

Sa Mindanao  sa Zam­boanga City sa Region 9, Cagayan de Oro City at Camiguin sa Region 10 at Davao City sa Region 11.

Habang ang mga lugar na hindi nabanggit ay nasa Alert Level 2 na kung saan sa kasaluku­yan ay wala ng nasa Alert Level 3 sa buong bansa. - Mer Layson

Show comments