Publiko pinag-iingat sa online selling ng self-administered antigen test kits

MANILA, Philippines — Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat sa mga nagsulputang self-administered COVID-19 antigen test kits na binebenta online.

Dahil may iilan pa lamang na Self-Administered COVID-19 Antigen Test Kits ang nabigyan ng Special Certification kaya’t alinmang ­ibinebentang produkto sa iba’t ibang pamilihan na hindi aprubado ay hindi makatitiyak sa kalidad at resultang ilalabas nito.

Upang makita ang updated na listahan ng mga aprubadong self-administered COVID-19 antigen test kits, magtungo sa: bit.ly/FDAHomeTestKits.

Batid ng ahensya na kailangan ng publiko ng convenient at mabilis na paglabas ng resulta ng COVID-19 test,subalit hindi dapat makompromiso ang kalidad ng produkto, at ang kaligtasan at kalusugan ng publiko.

Nararapat pa ring dumaan sa pagsusuri ng ahensya ang mga produktong pangkalusugan bago ito ibenta sa pamilihan.

Ayon sa FDA, ­tanging ang mga authorized impoters na may hawak na special certification o ang kanilang authorized ­distributors na may license to operate lamang ang lehitimo.

Show comments