Reproduction number ng COVID-19 sa NCR bumulusok sa 0.91 – OCTA

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng OCTA Research Group ang downward trend o ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 maging sa pagbaba ng aktibong kaso sa National Capital Region na nasa 0.91 na lang ang reproduction rate.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang reproduction rate ay nagpapakita ng bilang ng mahahawaan sa bawat isang kaso.

Ang antas na mas mababa sa 1 ay ikinokonsiderang magandang bilang ng World Health Organization.

“NCR reproduction number down to 0.91 for the first time 12.23.21. While this is good news and confirms a downward trend not just in new cases but also in active cases, we have to continue follow health protocols to prevent a reversal of the trend,” saad pa sa Tweet ni David.

Matatandaang sumipa pa sa lagpas 6 ang reproduction rate sa NCR nitong Enero 2.

Ani David, ang pagbaba ng reproduction number ay isang magandang balita.

Gayunman, ­pinayuhan niya ang mga mamamayan na patuloy pa ring mag-ingat at tumalima sa umiiral na health protocols upang maiwasan ang reversal ng trend o pagbilis muli ng hawaan ng virus. - Danilo Garcia

Show comments