‘High risk classification’ sa Pinas, ibinaba na

MANILA, Philippines — Mula sa dating ‘critical risk classification’ dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ay ibinaba na sa ‘high risk classification’ ang buong Pilipinas kasama ang National Capital Region (NCR).

Partikular na tinukoy ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbaba ng ‘two-week growth rate (TWGR)’ sa National Capital Region sa 65% mula sa dating 7,225%.Habang nananatiling mataas naman ang ‘average daily attack rate’ ng NCR na nasa 85.46%.

Iniulat din ni Duque na bumaba na rin ang TWGR ng buong bansa na nasa ‘moderate risk’ na lamang ngunit nananatiling mataas pa rin ang ADAR ng bansa na nasa 25.46%.

Show comments