^

Police Metro

Pagbawal sa paglabas ng ‘di bakunado, ipatupad ng maayos

Joy Cantos - Pang-masa
Pagbawal sa paglabas ng âdi bakunado, ipatupad ng maayos
Ito ang paalala ni ACT-CIS Cong. Eric Yap matapos makatanggap ng ilang reklamo na kahit ang mga taong bibili ng pagkain o gamot ay hindi na rin pinapayagang lumabas.
Freman Photo

MANILA, Philippines — Dapat na ipatupad ng maayos ang “no bakuna, no labas” policy ng gobyerno.

Ito ang paalala ni ACT-CIS Cong. Eric Yap matapos makatanggap ng ilang reklamo na kahit ang mga taong bibili ng pagkain o gamot ay hindi na rin pinapayagang lumabas.

“Yung mga walang bakuna pero kailangan bumili ng pagkain o gamot ay pwede lumabas ayon na rin sa naunang utos ng pangulo dahil kung hindi talaga sila papalabasin, saan sila kukuha ng makakain o gamot kung may sakit ang isa sa kasama nila sa bahay,” tanong ni Yap.

Ilang sumbong ang nakarating sa ACT-CIS na hinaharang umano ng mga pulis o tanod ang mga hindi bakunado para bumili ng pagkain o gamot at pinapauwi sa bahay.

“Kailangan naman ng konting konsiderasyon for humanitarian reason,” dagdag pa ni Yap. Nanawagan din ito kay DILG Sec. Eduardo Año na linawin muli ang utos ng pangulo sa mga otoridad na nagbabantay sa lansangan tulad ng mga pulis at barangay officials.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with