IATF ‘di muna magdaragdag ng ‘red list’country

MANILA, Philippines — Hindi na muna dadag­dagan sa ngayon ang listahan ng mga bansa na nasa red list o nagbabawal sa mga biyahero na makapasok sa Pilipinas dahil sa mataaas na kaso ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nang magkasundo ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil hindi kasi maaring isara ng Pilipinas ang lahat ng borders para sa ibang mga biyahero.

Ayon kay Vergeire, nagrekomenda na lamang ang mga eksperto na magpatupad ng mas mahigpit na protocols para masigurong hindi kakalat ang Omicron variant.

Magugunita na nagpatupad ang Pilipinas ng travel restrictions sa mga bansang nakapagtala ng kaso ng Omicron variant ng CO­VID-19.

Show comments