Huwag magpanik sa Omicron, giit ng WHO experts

This photograph taken on July 3, 2020, shows a sign of the World Health Organization (WHO) at their headquarters in Geneva, amidst the COVID-19 outbreak, caused by the novel coronavirus.
AFP / Fabrice Coffrini

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng World Health Organization’s (WHO) ang publiko na huwag magpanik sa pagsibol ng COVID-19 Omicron variant.

Sinabi ni Soumya Swaminathan, scientist ng WHO na masyado pang maaga upang masabi na ang bakuna ay dapat pang e-modified para makalaban sa virus .

“We need to be prepared and cautious, not panic, because we’re in a different situation to a year ago,” pahayag ni Swaminathan.

Batay sa ulat ni Swaminathan mula sa data na ang bilang ng kaso ng Omicron ay doble kada araw sa South Africa, ang bansang sinasabing pinagmulan ng naturang virus.

Sa ngayon maraming bansa na ang naghigpit ng travel rules dahil sa banta ng Omicron.

Ayon sa WHO, mas mainam na mas mara­mi ang bilang ng mga nababakunahan kontra sa COVID-19 para malabanan ang virus.

Ang kasalukuyang bakuna umano ay dapat magbigay ng matinding proteksyon sa mga tao kahit na may mutations ng virus.

Bukod sa South Africa, napaulat na rin ang virus sa Australia, Nebraska, Zimbabwe at Canada.

Show comments