^

Police Metro

Pagbakuna sa 12.7 milyong kabataan matatapos sa Enero 2022

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa Enero 2022 o unang quarter nito posibleng makumpleto ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad 12-17, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Sa panayam sa kalihim, sinabi niya: “Kung 100% ng 12.7 million [minors], baka ‘yan ay umabot ng Ene­ro, first quarter ng 2022.”

Tinatarget aniya ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19 ang 80% ng nasabing age group sa pagtatapos ng Disyembre, base sa unang pahayag ng National Task Force.

Noong Lunes ng gabi ay sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na gumagawa ng paraan ang pamahalaan na makumpleto na ang pagbabakuna sa mga menor-de-edad upang mabigyan sila ng proteksyon.

Ang pagbabakuna sa lahat ng menor-de-edad o 12-17 ay sisimulan sa Nobyembre 3, 2021 sa National Capital Region habang ang nationwide implementation ay sa Nob. 5.

Sa kasalukuyan, nasa 23,727 na na 12-17 minor with comorbidities ang nabakunahan na binigyang prayoridad ng pamahalaan.

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with