^

Police Metro

Pinakamababang reproduction number sa NCR mula Mayo, naitala

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naitala ng OCTA Research Team ang pinakamababang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) mula noong Mayo 18.

Ito ay makaraang sumadsad sa 0.55 ang reproduction number sa pinakahuling ulat ng grupo kahapon.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David na noong Mayo 18, nakapagtala ang rehiyon ng 0.58 reproduction number saka nagtuluy-tuloy sa pagtaas.

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong maaaring mahawa ng isang pasyente ng CO­VID-19 at kung mas mababa ito sa 1.0 ay indikasyon ito na bumabagal ang hawahan ng virus.

Ayon pa kay David, ang kasalukuyang seven-day average sa NCR ay nasa 1,411 na lamang, mula sa dating 1,448.

Kung magiging maganda ang takbo ng laban kontra COVID-19, posibleng ­umabot na lamang sa 400 hanggang 600 ang arawang kaso ng sakit sa Metro Manila, samantala 3,000 hanggang 4,000 naman sa buong bansa. - Angie dela Cruz

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with