Bakunadong guro isabak sa F2F classes

Ito ang iminungkahi­ kahapon ni Deputy Spea­ker at 6th District Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. sa Department of Education (DepEd) sa gitna na rin ng plano ng pamahalaan na magsagawa na ng pilot face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso o konti lamang ang naitalang kaso ng COVID-19.
Freeman Photo

MANILA, Philippines — Mga ‘fully vaccinated na mga guro laban sa COVID-19 ang isabak sa pilot face-to-face classes.

Ito ang iminungkahi­ kahapon ni Deputy Spea­ker at 6th District Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. sa Department of Education (DepEd) sa gitna na rin ng plano ng pamahalaan na magsagawa na ng pilot face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso o konti lamang ang naitalang kaso ng COVID-19.

Sa buong mundo na naapektuhan ng COVID-19 ay tanging ang Pilipinas pa lamang at Venezuela ang hindi pa nakakapagsagawa ng face-to-face classes.

Gayunman, ayon kay Abante ay dapat pa ring iprayoridad ang kalusu­gan at kaligtasan ng mga estudyante upang hindi mahawa ang mga ito sa COVID-19.

Inihalimbawa ni Abante, base sa report ng US Centers for Disease Control and Prevention na isang hindi bakunadong guro ang nakahawa ng COVID-19 Delta variant sa kalahatian ng klase nito sa isang elementary school sa California, 

Ang dalawang buwang pilot test para sa in-person classes ay lalahukan ng 100 guro sa public schools na nakapasa sa “readiness assessment” habang nasa 20 private schools  na kasalukuyan pang isinasailalim sa  pag-validate ng DepEd at ng  Department of Health.

Show comments