Isolation polling precincts ihahanda ng Comelec

MANILA, Philippines — Para lamang sa mga botanteng magpapakita ng sintomas ng COVID-19 ang “isolation polling precints” (IPPs) sa mismong araw ng halalan ang ihahanda ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang nilinaw ng Comelec bilang reaksyon sa matamlay na pagtanggap ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa unang lumabas na ulat na maaaring bumoto ang mga COVID-10 positive patients.

“To reiterate- the IPPs are not intended to be polling places for persons who are confirmed to be COVID positive and are, on Election Day, supposed to be in qua­rantine,” paglilinaw ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Tinatanggap naman umano nila ang pag-aalinlangan ng DOH ngunit tinitiyak nila na nauunawaan nila sa Comelec ang panganib pareho sa pasyente at sa mga taong makakahalubilo nila.

Ipagagamit lamang umano ang mga itata­yong IPPs sa mga botante na kakikitaan ng mga sintomas ng COVID-19 para doon sila bumoto.

Show comments