Kulong at multa sa aayaw sa COVID test

MANILA, Philippines — Posibleng makulong o magmulta ang sinumang indibidwal na may sintomas o close contact sa COVID patient na lalaktaw sa swab testing.

Ito ang babala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, na kung saan ay magmumulta ng P20,000 hanggang P50,000 o pagkakakulong na hanggang anim na buwan.

“Pwede silang kasuhan dahil ilalagay niya sa panganib ang ibang tao kung siya ay infected,” saad ni Año.

Tutol naman dito ang isang empleyado na “no work, no pay” status sa pahayag ni Año kung isasailalim sila sa swab test dahil sa panibagong gastos at kung isasai­lalim sa dalawang linggo na quarantine ay hindi nila alam kung paano at kung saan kukuha ng pambili ng pagkain at iba pang gastusin.

Inamin ni Año sa usa­pin sa problema ng ara­wang sahod ngunit mas makapapahamak ang ma­ging COVID-19 carrier.

Show comments