PNP target na ‘fully vaccinated’ sa Disyembre

MANILA, Philippines — Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na pagdating sa Disyembre ngayong taon ay 100% fully vaccinated na ang buong kapulisan.

Ito ang sinabi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, at inaasahan nila na mababakunahan ang lahat ng 221,000  laban sa COVID-19 bago matapos ang  taon.

Nabatid na nasa 131,326 o 57.97% porsi­yento  pa lamang ng mga pulis sa buong bansa ang  fully vaccinated laban sa COVID-19 habang nasa 80,809 o 36.32% naman ang naghihintay ng kanilang second dose ng vaccine.

Sa pinakahuling record nitong Biyernes ay nasa 10,506 o 4.72% personnel ng PNP ang hindi pa nababakunahan.

Show comments