20% diskuwento sa bayarin ng mga barangay health workers, isinulong

MANILA, Philippines — Para matulungan ang bayarin ng nasa 42,046 barangay health workers sa bansa na napakababa ang sahod ay isinusulong ng House Ways and Means Committee ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang panukalang 20% diskwento sa mga bayarin ng mga ito.

Pinagtibay ng komite ni Salceda nitong linggo ang “substitute bill” o kapalit ng ilang panukalang batas na nagtutulak sa “Magna Carta for Barangay Health Workers or BHWs Act.”

Nakapaloob sa wala pang numerong “substitute bill” ang amyenda ng komite na magbibigay ng 20% diskuwento sa mga bayarin ng mga ‘Barangay Health Workers’ (BHW) na kasama sa listahang ka­lakip sa “Expanded Senior Citizens Act of 2010.”

Ayon kay Salceda, kasama sa naturang mga bayarin ang lahat ng gastusing pangkalusugan, pamasahe sa pampublikong sasakyan, restoran at hotel, sinehan at mga gastusin sa burol at pagli­bing ng mga namatay.

Ipinaliwanag ng mambabatas na sa ilalim ng Administrative Order No. 36, na naglalaan ng ‘special risk allowances’’ para sa mga ‘health care workers,’ ang naturang benepisyo ay para lamang sa mga BHW na nakatalaga sa mga ospital, laboratoryo at mga pasilidad na medikal o pang-qua­rantine.

Show comments