Sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 health workers tinarget sina Duterte at Sara

Health workers stage a protest from U.P. Diliman in Quezon City going to Commonwealth Avenue during the State of the Nation Address of President Rodrigo Duterte on July 26, 2021.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Dahil umano sa palpak na pagtugon ng pamahalaan sa pandemya na ikinadidismaya ng grupo ng health workers ay nanawagan sila na ibang administrasyon naman ang kailangan ng bansa para tuluyang makaba­ngon sa pandemic.

Anya, nasa ikatlong COVID surge na ang Pilipinas gayung ang ibang bansa ay normal na ang pamumuhay kaya’t  hindi na umano dapat ipriniprisinta nina Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara sa harap ng publiko para tumakbo sa 2022 national elections.

Ayon kay Medical Action Group Chairperson Dr. Nemuel Fajutagana, wala na umanong karapatan ang mga nasabing pulitiko na tumakbo pa dahil sa kabiguan sa polisiya sa harap ng mga  anomalya na kung saan ay sinusugal ng mga health workers ang kanilang buhay.

Inamin ng grupo na isa umano sa naging ma­laking factor kung bakit pumalpak ang Covid response ng Duterte administration ay ginamit umano ang sitwasyon ng COVID sa pamumulitika.

Inihalimbawa nito ang vaccination na mara­ming pagkakataon na nao-override ang mga health officer sa desisyon ng mga bakuna dahil sa pakikialam ng mga barangay, mayor at governor, lalong magulo pa kung magkaiba sila ng political affiliation.

Aniya, sa buong mundo ay iisa lang ang COVID response na ginagawa at maraming bansa ang natugunan ang pandemic subalit sa Pilipinas ang naging malaking problema ay governance ng administrasyon.

Show comments