Negosyo muling bubuksan para lang sa bakunado — DTI

MANILA, Philippines — Para makabangon ang mga Negosyo sa epekto ng pandemya ay pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) kahit na ECQ at MECQ ay muling buksan, subalit para lamang sa mga bakunado.

Ayon kay DTI Undersecretary Ireneo Vizmontes, kabilang sa pinag-aaralan ang pagbubukas ng mga restaurants para sa indoor at outdoor na dine-in,health personal care services gaya ng salon, gym, at spa, maging ang mga arcade at indoor sports venue.

Maaari anila, silang mag-operate kahit naka-ECQ o MECQ basta’t bakunado ang mga empleyado at pagsisilbihan lang ang mga fully-vaccinated na guests.

Tiniyak ni Vizmonte na may mga safeguard na itatalaga ang gobyerno kaugnay dito, partikular na para maiwasan ang pamemeke ng COVID-19 vaccine cards.

Show comments