^

Police Metro

Travel ban vs 10 bansa pinalawig

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na banta ng hawaan sakit, pinalawig ng Pilipinas ang ipinatutupad na travel restrictions sa mga biyahero mula sa 10 bansa na unang nakapagtala ng mga kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang kasaluku­yang travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia simula Agosto 16 hanggang Agosto 31, 2021.

Inaprubahan din ang kahilingan ng mga airlines na ipagpatuloy ang kanilang international transit hub operations.

Gayunman, lilimitahan ang international transit hub operations sa airside transfers sa pagitan ng Terminals 1 at 2 at sa loob ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport at para lamang sa mga biyahero na mula sa mga bansa at teritoryo na nasa Green List.

Ang mga biyahero na magpapakita ng sintomas ay dapat sumunod sa isolation at quarantine protocols at dapat sagutin ng kanilang airlines.

Inatasan din ng IATF ang Department of Fo­reign Affairs, Bureau of Quarantine, at ang Bureau of Immigration na magbuo ng protocols para sa pagpapalabas ng kinakailangang visa na “case-to-case basis.  

Samantala, pinayagan ng IATF ang mga mamamayan na lampas sa 65 ang edad na lumabas ng kanilang bahay para personal na maghain ng kanilang  certificate of candidacy sa national office at designated field offices ng Commission on Elections.

 

vuukle comment

TRAVEL BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with