_pang-masa
^

Police Metro

Pekeng PDP-Laban memo, pinaimbestigahan ni Pacquiao

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idinulog ni Senador Manny Pacquiao sa Philippine National Police (PNP) para maimbestigahan ang mga nasa likod ng pagpapakalat sa social media ng pekeng PDP-Laban resolution na gumamit ng pekeng lagda ng una.

Sa pamamagitan ng legal counsel na si Atty. Pelagio Lawrence Cuison, inihain ni Pacquiao sa PNP Anti-Cybercrime Group ang reklamo para imbestigahan ang  pinagmulan ng pekeng dokumento at mga responsable sa pagpapakalat nito.

Kabilang sa mga tinukoy bilang initial subjects ng imbestigasyon ay sina National Transmission Corporation (NTC) Pre­sident Melvin Matibag, Astra Naik, former Press Secretary Bobi Tiglao, Trixie Cruz-Angeles na sinuspindeng abogado ng Supreme Court ng tatlong taon noong August 2016 at isang nagngangalang Ahmed Paglinawan.

Ang pekeng dokumento ay naglalaman umano ng “confidential plan” na naglalaman ng  direksyon umano ni Pacquiao kay PDP-Laban Legal Affairs at Arbitration Committee Chair Alberto Oxales na magdeklara ng agaran at otomatikong pagpapatalsik kay Party Vice-Chairman Alfonso Cusi at kaniyang mga kasamahan.

Ang naturang dokumento ay mga petsa nitong Hunyo 8, 2021 upang maipakitang nauna ito sa inilabas na lehitimong PDP-Laban Resolution noong Hunyo 9, na nag-aalis sa partido kina Cusi, Matibag at Naik.

Agad nilinaw ni Ron Munsayac Executive Director ng PDP-Laban at National Executive Committee na peke ang dokumento at iginiit na isa lamang itong pagtatangka ng ilang grupo na magpakalat ng “fake news” sa pamamagitan ng “fake o forged documents.”

Sa paglapit ng senador sa PNP upang mag-im­bestiga, binigyang-diin ni Cuison ang kahalagahan ng mabilis na pag-aksyon sa paglaganap ng mga “fake news” at pekeng dokumento sa iba’t ibang social media platforms.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with