House-to-house na vaccination sa ECQ, tinutulan
MANILA, Philippines — Tutol ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ideya na magsagawa ng house-to-house COVID-19 vaccinations sa nalalapit na implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.
Ito ang sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, hindi feasible ang house-to-house vaccination na sa ngayon ay nananatiling limitado sa mga bedridden residents.
“Isipin niyo po yung house-to-house vaccination na lahat ng ating medical frontliners ay pagbabahay-bahayin natin sa isang kalsada, pa-isa isa, hindi po talaga yan viable. We only do house-to-house or home vaccination para po sa mga bedridden,” ani Malaya.
Nauna nang sinabi ni Metro Manila Council chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na plano nilang magsagawa ng house-to-house vaccination sa panahon ng ECQ.
- Latest