_pang-masa
^

Police Metro

2 tiklo sa P1.7 milyong shabu sa Taguig City

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Major General Vicente D Danao Jr. ang mga suspek na sina Reggie Pariño, alyas “Reymark”, at Jerry Adriano.

Sa ulat,dakong alas- 2:00 ng hapon ng Agosto 1, nang malaglag sa kamay ng mga operatiba ang mga suspek nang makipagkita sa Tatay Berting’s Special Pancit Food House, sa Manuel L Quezon St., Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Inaresto ang mga suspek nang magpalitan na ng pera at iligal na droga sa nasabing karinderya at nasamsam ang 326  pirasong P1,000 boodle money at isang genuine na ginamit na buy-bust money at 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with