_pang-masa
^

Police Metro

Karagdagang pulis ipakakalat sa palengke, ayuda centers atbp

Doris Franche - Pang-masa
Karagdagang pulis ipakakalat sa palengke, ayuda centers atbp
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, maliban sa vaccination site, karagdagan din ang mga magbabantay sa mga palengke, supermarket, at ayuda centers.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sa sandaling pairalin ang enhanced community quarantine sa rehiyon ay pinaghahanda na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) para sa karagdagang mga pulis na ipakakalat sa mga vaccination site sa Metro Manila.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, maliban sa vaccination site, karagdagan din ang mga magbabantay sa mga palengke, supermarket, at ayuda centers.

Hinigpitan na rin ang border control sa NCR Plus kung saan tanging cargo vessel at authorized personnel outside of residence (APOR) lamang ang makalulusot.

Magkakaroon naman ng hiwalay na checkpoint sa mga cargo vessel at essential goods na papasok at lalabas ng NCR.

Pinaalalahanan din ng kalihim ang mga APOR na dalhin ang IATF IDs, valid IDs o dokumento mula sa pinayagang mag-operate na establisimyento.

Simula Agosto 6 hanggang 20, iiral sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant.- Mer Layson

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with