_pang-masa
^

Police Metro

Kamara inaprubahan ang pagtatag ng CDC

Doris Franche - Pang-masa
Kamara inaprubahan ang pagtatag ng CDC
President Rodrigo Duterte is joined by Senate President Tito Sotto and House Speaker Lord Allan Velasco at Congress during his last State of the Nation Address on July 26, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang pagtatatag sa Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC) na isa sa prayoridad ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Sa botong 193 na yes at anim na kontra ay pa­sado na ang House Bill No. 9560 o CDC na inihain ni Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan.

“Malaki ang magagawa ng panukala para paghandaan ang anumang pandemyang posibleng dumating tulad ng COVID-19 na problema ngayon ng buong mundo,” wika ni Tan.

“Once enacted, the CDC will be created as an attached agency to the Department of Health (DOH) and serve as the principal agency mandated to develop and apply communicable disease prevention and control initiatives. It will serve as the technical authority on all matters regarding disease prevention and control,” nakasaad sa panukala.

Nagpasalamat naman ang mambabatas na chairperson ng House Committee on Health  kay Pangulong Duterte, Speaker Lord Allan Velasco at House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez dahil sa suportang ibinigay upang maisabatas ang panukala.

Binigyang diin ni Tan sa kanyang sponsorship speech ang kahalagahan na pagyamanin pa nang husto ang kasanayan at kaalaman ng heathpersonnel laban sa iba’t ibang mga sakit sa bansa.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with