_pang-masa
^

Police Metro

3 Chinese tiklo sa P863 milyong shabu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang tatlong Chinese national, na miyembro ng transnational syndicate sa isang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Wille Lu Tan alyas Chen Bien, 42; Antong Wong, alyas Wang Zhong Chun/Wang Min, 28; at Chen Zhin, 79 na nakumpiskahan ng 127 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P863,600,000.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng umaga nang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD)-Novaliches Police Station 4 ang mga suspek sa buy-bust operation na ikinasa sa Magsaysay St., Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Ayon kay Director Adrian Alvarino, hepe ng PDEA Intelligence and Investigation Service (PDEA-IIS), ang mga suspek ay pawang mi­yembro ng isang malaking transnational syndicate na sangkot sa pagbebenta ng shabu sa bansa.

Inihayag naman ni PNP Drug Enforcement Group Director Police Brig. Ge­neral Remus Medina na patuloy ang ginagawa nilang pagmomonitor at operasyon laban sa mga high value target ng iligal na droga sa bansa. Ang tatlong Chinese ay nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with