_pang-masa
^

Police Metro

Hepe ng QCPD Station 3,sinibak 51 pulis na nagka-COVID-19 ‘di nakisalamuha sa mga raliyista

Ludy Bermudo - Pang-masa
Hepe ng QCPD Station 3,sinibak 51 pulis na nagka-COVID-19 âdi nakisalamuha sa mga raliyista
Ito ang sinabi ni NCRPO chief, Police Major General Vicente Danao Jr., dahil nanatili ang mga nasabing pulis sa University of the Phi­lippines-TechnoHub sa Diliman, Quezon City at naghihintay ng kautusan.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Iginiit ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ang 51 pulis na ipinakalat noong State of the Nation Address (SONA) na nagpositibo sa COVID ay hindi nakisalamuha sa mga raliyista.

Ito ang sinabi ni NCRPO chief, Police Major General Vicente Danao Jr., dahil nanatili ang mga nasabing pulis sa University of the Phi­lippines-TechnoHub sa Diliman, Quezon City at naghihintay ng kautusan.

“Ibig sabihin naka-stand by lang sila sa isang lugar in case of gulo… Hindi nakasalamuha ang taong nagrally,” lahad ni Danao.

Samantala, sinibak ni Philippine National Police (PNP)  chief Police Ge­neral Guil­lermo Eleazar ang commander ng Police Station 3 sa Quezon City na si Lieutenant Colonel Cristine Tabdi dahil sa command responsibi­lity nang ipadeploy nito ang mga nasabing pulis kahit mayroong pending COVID-19 test results sa huling SONA noong Hulyo 26.- Doris Franche, Mer Layson

POLICE RALLY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with