_pang-masa
^

Police Metro

2 kaso ng Delta variant, naitala sa Davao Region

Doris Franche - Pang-masa
2 kaso ng Delta variant, naitala sa Davao Region
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH)-Davao na kung ang kaso ay naitala sa Davao City at Tagum City sa Davao del Norte, kung saan kapwa naka­rekober na umano ang dalawa, pero ibinalik sa isolation para sa muling pagsasailalim sa RT-PCR tests.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — “Nakapasok na sa Davao Region ang Delta variant ng COVID-19.”

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH)-Davao na kung ang kaso ay naitala sa Davao City at Tagum City sa Davao del Norte, kung saan kapwa naka­rekober na umano ang dalawa, pero ibinalik sa isolation para sa muling pagsasailalim sa RT-PCR tests.

Una nang nagpadala ng 185 samples ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit sa University of the Philippines-Philippine Genome Center noong July 1.

Sa nasabing bilang, 79 samples ang may nakitang variant of concerns kabilang na ang dalawang Delta (B.617.2) variant, 27 ang Alpha (B.1.1.7) variant, at 50 samples ang Beta (B.1.351) variant.

Nagsagawa na rin ng contact tracing at isinailalim sa RT-PCR test ang mga close contacts nito mula F1 hanggang F3.

Muling hinikayat ang mga Dabawenyo na magpabakuna na laban sa COVID-19 para sa dagdag proteksyon at panatilihin ang standard health protocol upang maiwasan na mahawa sa virus.

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with