_pang-masa
^

Police Metro

Delta variant triple ang bagsik pero kayang talunin — IATF

Ludy Bermudo - Pang-masa
Delta variant triple ang bagsik pero kayang talunin â IATF
Ito ang sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, ng Inter-Agency Task Force (IATF) Technical Advisory Group, na higit 60 porsyentong mas nakahahawa, subalit maiiwasan ito kung susunod lamang sa health protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face masks at face shields at dapat na magpabakuna.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kaya umanong ta­lunin ang Delta variant na sinasabing triple ang bagsik na makahawa kumpara sa iba pang da­ting variants.

Ito ang sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, ng Inter-Agency Task Force (IATF) Technical Advisory Group, na higit 60 porsyentong mas nakahahawa, subalit maiiwasan ito kung susunod lamang sa health protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face masks at face shields at dapat na magpabakuna.

Anya, ang Delta va­riant ay kayang manghawa ng hanggang walo katao na nasa kaniyang paligid, at ang walo naman na nahawaan ay kaya ding makahawa ng walo pa bawat isa na higit na mas mabilis ang pagkalat tulad ng nangyayari sa India at Indonesia.

Kung dati aniya na may tatlong araw pa bago makahawa ng tao ang COVID-19 variants, ang Delta ay mas maikling oras lang o 30 minuto ay puwede nang makahawa ng iba.

Habang ang mga sinasabing close contacts na may 15 minuto, sa Delta ay 1-2 minuto lang ay pwede nang makahawa.

Gayunman, umaasa si Salvaña na ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan laban sa pagkalat ng nasabing variant ay tama.

“Deaths going down in countries with high vaccination rates, so tama ang ginagawa natin. We’re more cautious in our relaxing our measures, yung sa US nagtanggal na sila ng masks kahit mataas ang vaccination rate nila,” aniya pa.

Dapat din na tuluy-tuloy lang ang pagbabakuna laban sa COVID-19 at kung magagawang mas paspasan pa ay mas mabuti kasabay ng pagsunod sa health protocols upang hindi matulad ang Pilipinas sa mga kalapit na mga bansa.

DELTA VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with