16-anyos rider dedo sa pagsalpok sa karo ng patay

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 16-anyos na binatilyo matapos na sumalpok ang minamaneho niyang motor sa karo ng patay  sa national highway ng Brgy.Nangalasauan, Amulong, Cagayan.

Ang nasawi ay kinilalang si  Selwyn Angel, 16, high school student at residente ng Barangay Remus sa nabanggit na bayan.

Ayon sa report, nawalan umano ng kontrol sa manibela ng minamanehong motorsiklo ang biktima pagsapit sa palikong daan sanhi para sumalpok sa kasalubong na karo ng patay (XHL995) na minamaneho ni Joshua Tamayo, 22, at residente ng Caggay sa lungsod na ito.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang biktima sa kanyang motorsiklo sa ibabaw ng karo.

Nabatid na pabalik na si Tamayo sa Tuguegarao City matapos maghatid sa libingan.

Show comments