^

Police Metro

Mag-asawa pinatay ng tandem sa harap ng bahay

Mer Layson - Pang-masa
Mag-asawa pinatay ng tandem sa harap ng bahay
Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Marlon Ornido, 51, tricycle driver, volunteer ng Task Force Disiplina at misis niyang si Fe Ornido, 46, vendor, kapwa residente ng Block 3, Lot 12, Champaca, Daisy St., Brgy. Pasong Putik.

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead on arrival ang mag-asawa nang sila ay pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals kahapon ng tanghali sa harapan mismo ng kanilang tahanan sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Marlon Ornido, 51, tricycle driver, volunteer ng Task Force Disiplina at misis niyang si Fe Ornido, 46, vendor, kapwa residente ng Block 3, Lot 12, Champaca, Daisy St., Brgy. Pasong Putik.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), bago naganap ang krimen, alas-12:30 ng tanghali ay kalalabas pa lamang ng mag-asawa ng kanilang bahay nang salubungin sila ng mga putok ng baril ng dalawang hindi kilalang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Nang matiyak ng mga suspek na napuruhan ang mag-asawa ay mabilis na tumakas ang mga ito.

Inilarawan ng mga saksi ang isang suspek na nakasuot ng berdeng t-shirt habang ang isa pa ay nakasuot ng itim na jacket.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with