^

Police Metro

Bagong silang na sanggol nilapa ng baboy

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkagutay ang murang katawan ng isang bagong silang na sanggol na babae matapos na lapain ng baboy nang itapon ng kanyang ina sa Purok 3, Barangay Banali, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Ayon kay PCapt. Robert Trinidad, hepe ng Senator Ninoy Aquino PNP, inireport sa kanilang himpilan ang kalunos-lunos na sinapit ng sanggol matapos na matagpuan ng isang ginang na nagmamay-ari ng baboy sa sagingan sa nasabing lugar.

Nabatid sa may-ari ng baboy na si Lucy na pinuntahan nito ang kaniyang alaga na nakatali sa puno ng saging ngunit nagulat ito nang makita ang putol at gutay-gutay nang katawan ng isang sanggol na babae.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya na lahat ng nag-prenatal sa lugar ay kumpleto kaya’t hinala nila na taga-ibang lugar ang ina na nagtapon sa kanyang sanggol.

vuukle comment

PATAY

SANGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with