_pang-masa
^

Misis na nahuli ng lover na may ka-chat na Chinese, tinodas

Doris Franche (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinatay sa saksak ang isang ginang ng kanyang ka-live in matapos mahuli na may ka-chat itong Chinese national sa Facebook kahapon ng madaling araw sa Mandaue City.

Ang nasawi ay kinilalang si Hazel Haynar, 41-anyos habang nadakip naman ang suspek at live-in partner nito na kinilalang si Jun Villodo Manata, 51, kapwa nakatira sa Semense B, Barangay Tipolo, Su­bangdaku Mandaue City.

Batay sa report ng Subangdaku Police Station, bago naganap ang krimen, ala-1:00 ng madaling araw sa  kuwarto ng mag-live in partner ay nagtalo ang mga ito tungkol sa natuklasan ni Manata na may kinalolokohang Chinese ang biktima na lagi nitong ka-chat sa social media.

Inamin din ng biktima sa suspek hinggil sa isang Chinese national na kanyang ka-chat, pero matagal na iyon at hindi naman sila nagkikita.

Nagpanting ang tenga ng suspek hanggang sa kinuha nito ang patalim na may 15-pulgada ang haba at pinagsasaksak sa dibdib si Haynar na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek at nahaharap sa kasong pagpatay.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang ginawa nitong krimen at sinabing hindi niya pinagsisihan ang kanyang ginawa.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with