10 pulis-Laguna nasa restrictive custody — Eleazar

“Aking iniutos na lahat ng mga pulis na kasali sa operation ay under restrictive custody na at isinailalim sa paraffin test. Ang mga baril naman na ginamit sa operasyon ay kasalukuyang isinasai­lalim sa ballistics examination,” pahayag ni Eleazar.
The STAR/Michael Varcas

Sa pagkamatay ng 16-anyos sa police ops

MANILA, Philippines — Dahil sa madugong engkuwentro sa pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga pulis na ikinasawi ng isang 16-anyos na binatilyo na sinasabing sinad­yang paputukan sa Laguna, iniutos na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Lorenzo Elea­zar na ipinasailalim sa restrictive custody at paraffin test ang 10 pulis na sangkot operasyon sa Brgy. Canlalay, Biñan City noong Miyerkules.

“Aking iniutos na lahat ng mga pulis na kasali sa operation ay under restrictive custody na at isinailalim sa paraffin test. Ang mga baril naman na ginamit sa operasyon ay kasalukuyang isinasai­lalim sa ballistics examination,” pahayag ni Eleazar.

Ayon kay Eleazar, inatasan na niya si Police Regional Office (PRO) IV-A Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz at PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) Director Atty. Alfegar Triambulo na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa kasong nabanggit.

Sinabi ng PNP chief na natapos na rin ang awtopsiya sa labi ng dalawang nasawi para makapagbigay-linaw sa imbestigasyon.

 Magugunita na nitong Hunyo 16, alas-4:30 ng hapon ay nagsagawa ng operasyon ang Laguna Police laban sa suspect na si Antonio Castillo alyas “Tala”, top 10 most wan­ted person, na napatay sa engkuwentro habang nadamay na nasawi sa insidente ang menor-de-edad na si Jhondie Helis alyas “Jondy”.  

Show comments