Courier services ginagamit ng drug syndicate
MANILA, Philippines — Patuloy na ginagamit ng mga drug syndicate ang delivery at courier services para sa pagta-transport ng mga illegal drugs matapos ang pagtaas ng kaso ng drug trafficking sa bansa.
Ito ang inamin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang karamihan sa mga nahuhuli sa anti-illegal drug operations ay mga drivers ng delivery courier services na walang kamalay-malay na kontrabando ang kanilang ide-deliver.
Ang paggamit ng delivery service platforms para mai-transport ang mga kontrabando ay siyang trend at modus ng mga drug syndicate para tuloy pa rin sa pamamayagpag ang kanilang illegal drug trade.
Bunsod nito, lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) ang PDEA at Wallstreet Courier Services Incorporated o mas kilala bilang Ninja Van na layong tugunan ang problema sa drug trafficking trend na ginagamit ang mga delivery courier services.
- Latest