GCQ pa rin sa NCR Plus
MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nitong Lunes ang pagpapalawig ng general community quarantine (GCQ) na may ilang restrictions mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021 sa National Capital Region at Bulacan.
Habang hindi naman inalis ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga lalawigan ng Laguna, Cavite, at Rizal sa GCQ “with heightened restrictions” mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021.
Iiral din ang GCQ mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021 sa Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra, at Benguet sa Cordillera Administrative Region; Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Iligan City sa Region 10; Davao del Norte sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, at South Cotabato sa Region 12; Lanao del Sur at Cotabato City sa BARMM.
Habang isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30 ang Santiago City at Cagayan sa Region 2; Apayao at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Bataan sa Region 3; Lucena City sa Region4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Naga City sa Region 5; Iloilo City at Iloilo sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Zamboanga del Norte sa Region 9; Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat Islands, at Surigao del Sur sa CARAGA.
Maliban sa mga nabanggit, lahat ng lugar sa Pilipinas ay inilagay sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
- Latest