Curfew hours sa Metro Manila, iniklian

Ito ang napagkasunduan ng mga Manila mayors sa isang pagpupulong na kung saan ay tatagal ito ng 12 midnight hanggang alas-4:00 ng umaga na dating alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) chairman Benhur Abalos na ipatutupad na ang mas pinaikling curfew sa Metro Manila na magsisimula ngayong Hunyo 15.

Ito ang napagkasunduan ng mga Manila mayors sa isang pagpupulong na kung saan ay tatagal ito ng 12 midnight hanggang alas-4:00 ng umaga na dating alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Magbibigay tsansa rin aniya ito na mas mara­ming indibidwal ang ma­kabisita sa malls at restaurants.

“This will give more time sa mga taong kakain sa restaurant, sa mga malls na magbukas, sa travel time, at makatulong ng husto sa ating ekonomiya.”

Show comments