200K Pinoy, mayroon ng national ID card

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroon 200,000 Pinoy ang mayroon ng Philippine Identification System (PhilSys) cards.

Ayon sa PSA Assistant Secretary at Deputy National Statistician Rosalinda Bautista na iniulat sa ahensiya ng Philippine Postal Corporation (Philpost) na ang may 200,000 registrants ay tumanggap na ng kanilang ID at mayroon pang dagdag na 200,000 IDs ang takdang ipamahagi.

Ang registration para sa Philsys ID ay nagsimula noong October 2020 at ang pamamahagi ng national ID ay sinimulan nitong Mayo 2021.

Iniulat din ni Bautista na nakakolekta rin sila ng demographic information ng mahigit sa 35 milyon at ang 12 milyon dito ay mayroon ng biometrics captured.

Target ng PSA na mai­­re­histro ang nasa 70 mil­yong Pinoy sa PhilSys bago matapos ang taong 2021.

Show comments