^

Police Metro

2% ng 109 milyong Pinoy bakunado na kontra COVID-19

Danilo Garcia - Pang-masa
2% ng 109 milyong Pinoy bakunado na kontra COVID-19
Anya, halos dala­wang milyon pa lamang sa 109.48 milyong populas­yon ng bansa ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna mula nang umpisahan ang vaccination nitong Marso 1.

MANILA, Philippines — Inihayag ni Health Undersecretary  at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na aabot pa lamang sa dalawang porsyento ng populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 sa halos tatlong buwan ng ‘vaccination program’ ng pamahalaan.

Anya, halos dala­wang milyon pa lamang sa 109.48 milyong populas­yon ng bansa ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna mula nang umpisahan ang vaccination nitong Marso 1.

Inamin ni Vega na sa naturang numero, mahihirapang maabot ang target nila na makapagpabakuna ng 50% hanggang 70% ng populasyon ng bansa bago matapos ang kasaluku­yang taon.

Para maabot ang natu­rang target, kailangang mabakunahan ang average na 500,000 indibidwal kada araw na depende naman sa dumadating na suplay ng bakuna sa bansa.

Ipinayo ni Vega na mga brand na AstraZe­neca, Sinovac at iba pang bakuna na hindi masyadong sensitibo sa temparatura ang dalhin sa mga malalayong lugar upang maserbisyuhan rin ang mga mamamayan sa mga kanayunan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with