Bagong kaso ng COVID-19 bumaba ng 3 porsyento — OCTA

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng OCTA Research Group na bumaba ng may tatlong porsyento ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas o may 6, 430 mula Hunyo 4 hanggang Hunyo 11 .

Batay sa pinakahuling ulat ng OCTA, ang reproduction number sa bansa ay naitala sa 1.02, na nagpapakita ng patuloy na hawahan ng virus.

Samantala, ang   27%  ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ay mula sa Metro Manila,  Cavite,  Laguna, Bulacan, at Rizal sa nakalipas na linggo.

Bukod dito, iniulat din ng OCTA na may malaking pagtaas ng kaso ng bagong Covid-19 sa Negros Orien­tal-173 daily cases, Leyte-162 bagong kaso, at  Agusan del Norte,  111 bagong kaso mula Hunyo 4 hanggang Hunyo 11.

Mataas naman ang healthcare utilization rates sa  Iloilo, Cagayan, Misamis Oriental, Negros Orien­tal, at Agusan del Norte .

Ayon sa OCTA, ang  local governments na may mataas sa 10 per 100,000 average daily attack rate (ADAR) ay kinokonsiderang high risk.

Show comments