Travel ban sa 7 bansa, pinalawig hanggang Hunyo 15

MANILA, Philippines — Pinalawig ang ipinatutupad na travel restriction sa India at anim pang bansa upang maiwasan ang pagdami ng mga variants ng COVID-19 na nasa Pilipinas.

Kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque na iiral pa rin ang travel ban sa mga biyahero mula sa India, Pakistan, Sri Lanka, Bang­ladesh, Nepal, Oman at United Arab Emirates (UAE). Epektibo pa rin ang travel ban simula Hun­yo 1 hanggang 15.

Naunang ipinatupad ang travel ban para sa mga biyahero mula sa India noong Abril 29 hanggang Mayo 14 at nadagdag ang mga bansang Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka mula Mayo 7 hanggang Mayo 14. Ang travel ban ay pinalawig hanggang Mayo 31.

Nadagdag din sa listahan ang Oman at United Arab Emirates.- Danilo Garcia

Show comments