PNP, BJMP at BuCor nagsanib-puwersa vs drug trafficker

Sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar, mas paiigtingin pa nila ang kanilang koordinasyon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at sa Bureau of Corrections (BuCor) upang matigil na ang drug operations ng mga inmates na miyembro ng drug syndicate.

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa ang PNP, BJMP at BuCor para matigil na ang bentahan at operasyon ng illegal drugs sa bansa na pinamumunuan pa ng mga taong nakakulong na.

Sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar, mas paiigtingin pa nila ang kanilang koordinasyon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at sa Bureau of Corrections (BuCor) upang matigil na ang drug operations ng  mga inmates  na miyembro ng drug syndicate.

Nagagawa ng mga na­kapiit na drug trafficker na makapagtransaksiyon gamit ang ilang mga indibiduwal bilang drug courier.

Noong Biyernes ay naaresto ng Cebu City Police sa buy-bust operation sina Vencent Mayol Suplac at Giovanni Montecalvo Ambray na uma­ming drug couriers ng isang detainee sa Cebu City Jail at nakuha sa mga  ito ang P6.9-milyong ha­laga ng  shabu.

Indikasyon lamang ito na kailangan pang laliman at pag-igtingin ng law enforcers ang kanilang intelligence network upang matukoy ang utak nito.

Show comments