Walang pinoy na nadamay sa giyera sa Israel — DFA

Anya, ang embahada ng Pilipinas sa Israel at mga kalapit na bansa doon ay naghahanda na ng contingency measure sa pakikipag-ugnayan sa office for migrant worker affairs.
AFP/Mohammed Abed

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino ang nadamay sa rocket attack at air strike sa pagitan ng Palestinian military at Israeli security force sa isang linggong labanan.

Anya, ang embahada ng Pilipinas sa Israel at mga kalapit na bansa doon ay naghahanda na ng contingency measure sa pakikipag-ugnayan sa office for migrant worker affairs.

Patuloy din umanong nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga Filipino sa Israel para maabot nito ang maraming Filipino community doon kung sakaling kailanganin ang tulong ng gobyerno.

Ang shelter ay handa na rin umano para magbigay ng pansamantalang matutuluyan kasama na ang mga manggagawang Filipino.

Ang contingency plan ay nakahanda na umano para sa anumang maaaring mangyari sa gitna ng kaguluhan sa nasabing bansa.

Ayon sa DFA, may halos 30,000 manggagawang Filipino ang nasa Israel ngayon.

Show comments