_pang-masa
^

Ex-seaman binoga habang naglalakad

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 25-anyos na da­ting seaman makaraang barilin ng isang hindi nakilalang salarin habang naglalakad sa may Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si John Carlo Estember, nakatira sa Singalong Street, Malate at nagpapaupa umano ng mga kuwarto sa mga kapwa seaman.

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi ay naglalakad ang biktima sa may Angel Linao Street, Brgy. 731 nang harangin ng salarin at pagbabarilin sa katawan sa harap ng mara­ming tao. 

Nakita pa sa CCTV ng barangay ang paglabas sa paupahan ng biktima bago ito barilin. Nakita rin sa camera ang pagtakas ng salarin ngunit hindi na nadakip ng mga otoridad.

Blangko ang pulis­ya sa motibo ng pamamaslang dahil sa wala namang rekord sa barangay si Estember at kilalang wala rin itong kagalit. 

Nabatid na matapos ang pagsakay sa mga barko, nagnegosyo na lamang si Estember sa pagrenta ng mga bahay na ginagawa niyang mga kuwarto at pinauupahan sa mga seaman.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with