_pang-masa
^

Police Metro

Suporta sa P10K Ayuda Bill inaasahang babaha

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Babaha ng suporta para sa isinusulong ni dating Speaker at Taguig –Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at ng kaniyang mga kasamahang mambabatas sa Back To Service (BTS) sa Kongreso bloc na P10K Ayuda Bill sa Kamara.

Ito ay dahilan sa lubhang kailangan na ng mga Pilipinong naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang karagdagang P 10,000 cash na ayuda sa bawat pamilya.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta ay si 2nd District Rep. Eric Olivares na sinabing ‘full support’ siya sa P10K Ayuda bill.

“Kung kaya ng budget bakit hindi para sa mga nangangailangan, kung kaya ng appropriation na i-budget po ‘yon para sa nangangailangan full support tayo doon kung kaya ng budget,’’ pahayag ni Olivares.

Pinasalamatan naman ni Cayetano si Olivares at ang iba pang mga Kongresista na sumusuporta sa House Bill (HB) 8579 Bangon Pamilyang Pilipino Assistance Program o mas kilala bilang P10K Ayuda Bill.

Hindi naman itinago ni Cayetano ang pagkadismaya matapos na isama sa pagtalakay ng Bayanihan 3 ang P10K Ayuda Bill at mas unahin pa ang pagbibigay ng P1,000 cash aid na lubhang kulang sa kasalukuyang sitwasyon ng pandemya.

ALAN PETER CAYETANO AYUDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with