^

Police Metro

18-anyos estudyante pumalag sa holdap, utas

Tony Sandoval - Pang-masa
18-anyos estudyante pumalag sa holdap, utas
Kinilala ang nasawing biktima na si Angelo Andes, estudyante sa Mayao Parada Agricultural Integrated High School at residente ng Purok Maabo.
File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 18-anyos na estud­yante makaraang barilin sa ulo ng isa sa dalawang holdaper na umagaw sa tablet nito sa CCF Village, Barangay Mayo Parade, Lucena City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Angelo Andes, estudyante sa Mayao Parada Agricultural Integrated High School at residente ng Purok Maabo.

Sa imbestigasyon, alas-7:00 ng gabi ay nag­lalakad ang biktima at kaibigang si alyas Jomar sa likurang bahagi ng naturang paaralan nang banggain ng dalawang hindi nakikilalang lalaki.

Nagdeklara ng holdap ang mga suspek at inutusan ang biktima na ibigay sa kanila ang tablet at dahil ito ang kanyang ginagamit sa sa kanyang on line classes ay pumalag ito at nakipagbuno sa isang suspek.

Gayunman ay binaril naman ito sa ulo ng isa pang holdaper gamit ang hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

Hindi naman sinaktan ng mga suspek ang kaibigan ng biktima at nang makuha ng mga ito ang tablet ay nagtatakbo patakas.

vuukle comment

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with