_pang-masa
^

Magpokus muna sa pagbaba ng COVID-19 — Yap

Mer Layson (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat magpokus sa pagpapababa ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at kung paano tayo makakakuha ng mas marami pang bakuna.

Ito ang sinabi ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa panayam sa isang radio dahil napapansin na dina-divert na ng ilan ang aten­syon ng bansa sa West Philippine Sea sa halip na pagtuunan ng pansin ang malala pa ring problema natin sa virus.

“Nariyan ang problema na marami pa sa atin ang nagugutom, ang mabagal na pagdating ng bakuna, at ang mga pasaway na mga kababayan natin kaya hindi bumababa ang hawaan ng COVID sa ating bayan,” ani Yap.

“Hindi ko sinasabi na ‘wag natin pansinin ang problema sa teritoryo, pero bakit di natin unahin ang pagpapababa sa mga tinatamaan ng COVID sa bansa at mabawasan ang mga namamatay araw-araw higit isandaan everyday,” dagdag ng mambabatas.

Ayon pa kay Yap, hayaan na lang sa AFP, Coast Guard, at DFA ang pagresolba sa WPS at ang lahat ay mag-focus na sa COVID problem.

“Napapansin ko lang kasi na ang oposisyon, ang legislative pati na ang madla, nakatuon ang pansin sa debate ng pangulo at ni dating justice Carpio sa teritoryo,” pahabol ni Yap.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with