_pang-masa
^
40 baboy patay sa tumagilid na trak
Sakay ng truck na may plakang NDL4003 ang mga baboy at tinatahak ang kahabaan ng C-3 Road nang bigla na lamang umangat ang likurang bahagi ng truck saka biglang tumagilid habang papaliko sa R-10.

40 baboy patay sa tumagilid na trak

Doris Franche (Pang-masa) - May 6, 2021 - 12:00am

160 pa nakawala sa Navotas City

MANILA, Philippines — Patay ang may 40 na baboy habang aabot sa 160 pa ang nakawala matapos na tumagilid ang kinalululanang 14-wheeler truck kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Sa report ng pulisya, alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kanto ng C-3 Road at Road 10, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod.

Sakay ng truck na may plakang NDL4003 ang mga baboy at tinatahak ang kahabaan ng C-3 Road nang bigla na lamang umangat ang likurang bahagi ng truck saka biglang tumagilid habang papaliko sa R-10.

Dahil sa bigat ng trak, na-trap at nadaganan ang nasa 40 na baboy na ikinamatay ng mga ito habang naglundagan ang 160 iba pang baboy mula sa trak patungo sa iba’t ibang direksyon.

Sinabi ng middleman na si Maricel San Agustin, nagmula ang mga baboy sa General Santos City at dadalhin sana sa Cavite nang mangyari ang aksidente.

Ilang residente naman ang pinaghati-hatian ang mga namatay na baboy.

BABOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with