^
Duterte walang naramdaman na side effect ng bakuna
Ayon kay Roque, pagkatapos magpabakuna ang Pangulo ay nanguna pa siya sa meeting ng Inter-Agency Task Force na tumagal ng halos dalawang oras.
Presidential Photo/Joey Dalumpines

Duterte walang naramdaman na side effect ng bakuna

Malou Escudero (Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos maturukan ng Sinopharm vaccine laban sa COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte, inihayag kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang nararamdaman na side effect ang Pangulo sa naturang bakuna.

Ayon kay Roque, pagkatapos magpabakuna ang Pangulo ay nanguna pa siya sa meeting ng Inter-Agency Task Force na tumagal ng halos dalawang oras.

“Wala naman pong problema ano, kasi ang nangyari kahapon, nagkaroon kami ng bagong pagpupulong kasama si Secretary Lorenzana mahigit kumulang isang oras iyon, pagkatapos noon nagpabakuna siya at matapos ang pagbakuna niya saka siya pumunta  doon sa meeting with some members of the IATF na tumagal ng almost two hours,” ani Roque.

Tiniyak din ni Roque na walang “adverse reaction” na nangyari sa Pangulo matapos mabakunahan.

Ang ikalawang dose ng bakuna ay ibibigay sa Pangulo matapos ang isang buwan.

Samantala, ipinagtanggol din ng Malacañang ang pagpapabakuna ng Pangulo ng Sinopharm na wala pang emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration.

COVID-19 VACCINE RODRIGO DUTERTE SINOPHARM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with