Lalaki nasagasaan ng tren

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi makaraang masagasaan ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR) nang tumawid ng alanganin sa riles sa may Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Walter Orbase, 36, at residente ng Tondo.

Sa ulat ng Jose Abad Santos Police Station 7 ng Manila Police District (MPD), alas-4:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa PNR railways sa may Hermosa St., Tondo.

Kahit na paparating ang tren, biglang tumawid pa rin ang biktima dahilan para matumbok siya ng sasakyan at makaladkad.

Sa tindi ng pinsalang natamo ay agad na nasawi ang biktima.

Show comments