^

Police Metro

Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumaba

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Batay sa latest report ng OCTA Research ay nagkaroon ng pagbaba ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region na umabot sa 0.99

Gayunman, sinabi ng grupo hindi pa rin garantiya na tuluyan na ngang pababa ang reproduction number ng virus. “Bu­maba na ang reproduction number natin. It’s 0.99 in NCR, in fact less than one na siya. Pero ngayon pa lang, medyo unstable pa ang trend. Hindi pa yan patuloy na pagbaba. Di pa yan gua­rantee na patuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso,” sabi ni Prof. Guido David ng OCTa Research Team.

Ang reproduction number ay ang bilang ng tao na maaaring mahawahan ng isang tao na infected ng COVID-19.

 Ayon kay David, ang daily average ng COVID-19 cases ngayon ay 4,300 mas mababa ito kung ikukumpara sa 5,100 noong nagdaang linggo. Ang positivity rate din anya ay pumalo sa 22% na mas mababa sa 25% noong April 10.

Gayunman, sinabi ni David na patuloy na puno ang mga ospital ng mga pasyente ng COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with