^

Police Metro

5 COVID-19 patients sa PGH, namamatay kada araw

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang pasyente na may COVID-19 ang nasasawi kada araw sa Philippine General Hospital (PGH) sa loob na ng tatlong linggong magkakasunod.

Ito ang inamin ng ta-gapagsalita ng PGH na si Dr. Jonas Del Rosario, dahil sa dami ng pasyente na nakaratay sa ospital.

Puno na umano ang 30 higaan sa kanilang ICU at maging ang 25 higaan sa emergency room habang 220 sa 250 COVID beds ang okupado.

“Mostly po severe to critical care iyong nagpupunta sa ER. Mga five patients a day po ang namamatay for the past three weeks,” ayon kay Del Rosario.

Mas malala umano ang sitwasyon ng PGH kung ikukumpara noong nakaraang taon. Tulad ng ibang ospital, kailangan din ngayon na maghintay ang mga COVID-19 patients bago sila makakuha ng higaan sa ICU.

Umaasa si Del Rosario na mapapalawig ang umiiral na “modified enhanced community quarantine (MECQ)” sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal ng higit pa sa Abril 30 upang mas mapabagal ang impeksyon.

vuukle comment

COVID-19

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with